• Home
  • Restaurant
  • Travels
  • Events






Monday, May 13, 2013

Isang Jollibee Meal: Eleksyon 2013


Note: I will be writing in Filipino for this post as I feel that this is more appropriate to the topic.


Sakripisyo.

Yan ang sabi ng nanay at tatay ko habang nakapila kami kanina para bumoto. Oo nga naman. Ang aga namin dumating sa presinto, mga bago mag 7:30 ng umaga. Higit isang oras na kaming nakatayo at nakababad sa araw pero hindi pa gumagalaw ang pila.

Nakakainis na.



Bilang botante at nagbabayad ng buwis, hindi ko maintindihan bakit ganito pa rin ang sistema. Sa laki ng awas sa sweldo ko para mapunta sa buwis, napakabagal ng ganitong kalakaran.



At mas nakakainis pa yung mga taong dumadaan sa harap ko na hindi man lang nakikiraan. May isang babae  nagrason pa, "HINDI NAMAN AKO SISINGIT EH!". Hindi ka nga sisingit, pero hindi ka pwedeng magsabi ng 'excuse me'?



Pansin ko pa na parang ang daming poll watchers. As in madami. Ganun ba talaga?

Teka, ano nga ba ang ibig sabihin ng poll watcher?

Ayon kay wikipedia, a poll watcher or scrutineer is a person who observes any process which requires rigorous oversight, either to prevent the occurrence of corruption or genuine mistakes.

Gustong-gusto kong lumapit sa isang poll watcher para tanungin kung alam niya na ganito ang trabaho nya, kaso baka batukan ako ng tatay ko. Pero may sense naman yun tanong ko di ba?

At ano nga ba ang kinalaman ni Jollibee sa eleksyon? Simple lang: sa tinagal ko sa pila, ang dami kong nakikitang poll watcher na may dala-dalang Jollibee meal. At hindi lang isa, napakarami!

Ebidensya:







Nakakaaliw na nakakabwisit. Sa dami nila, baka quota na ang Jollibee sa benta. Malamang alam na natin kung san galing ang pagkain. Lalong alam na natin kung san galing yung pinambili ng pagkain. 

Halos tatlong oras na kami sa pila, sa wakas malapit na kami sa pinto ng presinto namin. 

Masakit na ang balakang ko kakatayo. Chillax na kahit papano.

Tapos sa kanan ko, may isang pollwatcher na nagtanong sa min: "Ok lang po ba magpasingit ng dalawa?", sabi ko "hindi noh! tatlong oras kaming nakapila tapos may sisingit na lang basta-basta!". Yung mga isisingit nya mukhang mga kakilala nya. Mga bagong ligo pa. Buti pa sila, habang kami amoy-araw na.

Habang sa kaliwa ko, may isang matanda na naglalakad, gamit ang payong na mahaba bilang tungkod. Parang naliligaw. Tinanong namin kung may kasama at alam na niya ang presinto nya. Oo raw, may tumulong na sa kanya.



Pagkatapos na ilang sandali, nakaboto na rin ako. Kung hindi ako nagkakamali mga limang minuto lang ang tinagal ko sa loob. Matagal na yon, kasi nagbilang ako ng pollwatcher sa loob ng kwarto. Mahigit sampu silang lahat, habang ang botante isang dosena. 

Natapos akong bumoto na di nalalaman ang silbi ng pollwatcher, pero masaya ako na kahit amoy-pawis, pagod at madumi na ang mga tsinelas ko, nagawa ko naman ang sakripisyo na dapat kong gawin tuwing tatlong taon. 


Ikaw, nakaboto ka na ba?

Mabibili ka rin ba sa isang Jollibee meal? Sana ay hindi. :)

19 comments:

  1. how I wish I was able to vote. pero di kinaya ng oras. at pera. tsk. next time, uwi ako para bumoto/

    ReplyDelete
    Replies
    1. Or pwede ilipat ang voting precinct mo?

      Delete
  2. Yung iba ata kasing poll watcher, talagang for a certain candidate so baka sponsored ang meals nila. May nagtry din sumingit sakin, I gave her a death glare. Eh may nagpapasingit nga sa akin na kakilala ko tapos di ko tinanggap tapos sisingitan nya ako? Nakakainis lang talaga ang kawalan ng disiplina ng mga tao eh no?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yepyep. I think iisang candidate lang yung mga may Jollibee meals. I just think masyadong marami. Theory namin is getting them as pollwatchers is like getting their votes too.

      Frustrating that some Filipinos don't have the discipline to fall in line and wait.

      Delete
  3. reason why sometimes, i step back and decide not to register to vote. hate to say this pero ang voting system ng Pinas eh bulok.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I do hope you'll try to register for the next election, April. :)

      I really think we should change the voting rules and be more strict. I don't want to be discriminating, but we need more taxpayers to vote. Sa ngayon kasi, hindi naman lahat ng botante ay nagbabayad ng buwis. :(

      Delete
  4. Umattend ako ng seminar bilang isang poll watcher. Heto yung video na pinanood nila saamin: http://www.youtube.com/watch?v=pcpL8lPKlWU
    Sana masagot nito ang iyong katanungan. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Will watch it later. Thanks for sharing, Pao! :)

      Delete
  5. grabe no? oh well sanay na tayo sa ganyang kalakaran. sana matuto na tayo next time :D

    ReplyDelete
  6. I was kinda surprised, reading your post in Tagalog, hehe, but fitting as you said. It is kind of disheartening to witness such things. :/

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, it is. I was very frustrated that I had to share my experience here.

      Delete
  7. Nagtataka din ako kung bakit ang daming poll watcher pero may dayaan pa ding nangyayari, anong silbi nila? -.- hay.

    Hope you can check my blog back too :) Nice blog!
    NEW BLOGPOST: MARY KATE AND ASHLEY OLSEN'S INSPIRED MAKEUP! http://ara-oundtheworld.blogspot.com/2013/05/you-have-to-laugh-love-live-every-day.html

    -Shahara,xx

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for dropping by, Shahara! Will check out your blog. )

      Delete
  8. Kaloka ang dami ng Jollibee meal na dala nila. Baka pwedeng i-edit ang meaning ng poll watcher sa Wiki, dagdagan ng "food hoarder" Lols!

    Di ako nakaboto kasi I have been exhausted for the longest time at bed time ko ang umaga. I feel bad di man lang ako nag sacrifice, isang araw lang naman.

    Bravo to you Michy for braving the heat, the long queue para makaboto :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hope you'll get to vote next elections, Zai. :) I love the term, food hoarder.haha. :P

      Delete
  9. From what I understand, a poll watcher IS supposed to be partisan in this country. This is because a candidate is entitled to a certain number of poll watchers in a polling station who will guard their votes, and it is customary (especially in the provinces) to fee the poll watchers who are in their service. Please do check the Election Code of the Philippines when you have time. While the conclusion you jumped to does have its merits, given the level of corruption in our country, it remains an uninformed and unfair one.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

ShareThis